Tutok to Win Partylist inilapit ni Willie Revillame sa Tondo

By Jan Escosio May 03, 2022 - 10:08 PM

RICHARD GARCIA / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Sa Tondo sa Maynila naman naghatid kasiyahan ang Tutok to Win Partylist at dumalo din si Willie ‘Kuya Wil’ Revillame.

Sinabi ni Sam Verzosa, ang first nominee ng Tutok to Win Partylist, tulad ng sa Sampaloc, kung saan siya lumaki, malapit sa kanyang puso ang Tondo dahil itinuturing niya ang sarili na isang tunay na ‘Anak ng Maynila.’

“Dito ako lumaki, isa rin ako sa kanila, alam ko ang pamumuhay nila, dito ako nanggaling, ramdam namin sila. Pati si Kuya Wil laking Cabanatuan pero laking hirap din si Kuya Wil, so isa siya sa mga kababayan natin, maka-masa ‘yan at iyan ang mga programa naming para sa mga nangangailangan, para sa mga senior citizens, sa kabataan at of course para sa masa,” sabi nito.

Muling inilatag ni Verzosa sa daan-daang dumalo ng kanilang grand rally at ipinaliwanag niya ang gagawin nilang ‘sustainable community.’

“Ang sustainable community ay pamayanan o komunidad na may pabahay para sa mga mahihirap, may ospital, may eskuwelahan at mayroon silang kabuhayan,” aniya.

Pag-amin ni Verzosa kay Revillame niya nakita ang tunay na pagtulong sa lahat ng mga nangangailangan kayat sinunod niya ang payo nito na dapat ay sa buong bansa naghahatid ng tulong.

Dagdag pa ng nagtatag ng Frontrow Philippines, ang nangungunang network company ng health and beauty products sa buong Asya, isusulong din nila sa Kongreso ang kapakanan ng mga kabataan at senior citizens.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.