Nagpasaklolo na sa Commission on Human Rights{CHR) ang ina at asawa ng Pharmally Executives na sina Mohit Dargani at Linconn Ong dahil sa patuloy na paglabag sa kanilang karapatang pantao na 6 na buwan nang nakakulong sa Pasay City Jail matapos i-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee.
Sa liham ng ina ni Mohit na si Deepa at asawa ni Linconn na si Summer Ong kay CHR Chaiperson Leah Tanodra-Armanento kapwa isinalaysay nito ang pinagdanang hirap ng kanilang kaanak na matapos dumalo sa Senate Inquiry ay pinaaresto at hinayaan na lamang na nakakulong kahit tapos na ang imbestigasyon ng Senado.
“We wish to respectfully invite the attention of the Commission to the fact that Senator Richard Gordon, who heads the Blue Ribbon Committee, has used the false pretense of extending the inquiry and this delaying theirrelease, notwithstanding that he has made several public pronouncements that their testimonies are no longer necessary,” nakasaad sa liham.
Inalmahan din nito ang paggamit ni Sen Gordon sa isyu ng Pharnally bilang campaign tool sa kanyang reelection bid.
“Senator Gordon, used the images of Linconn and Mohit as symbols of corruption in his campaign ads, despite their failure to file the proper charges, much less prove their allegations. Senator Gordon tries to boost his campaign at the expense of Linconn and Mohit,” dagdag pa nito.
Inilahad din nito sa CHR ang ilang beses na pagbalewala ng Senado sa karapatan ng kanilang kaanak sa kasagsagan ng imbestigasyon kabilang na ang ginagawang paghihigpit ng Senate Sergeant-at-Arms na makita ng mga Pharmaly officers ang kanilang mga abogado, ang pagtanggi na mabigyan ng medical attention at maconfine sa ospital ni Pharmally President Twinkle Dargani, ang pagpipilit sa mga ito na magsalita sa Senate inquiry kahit pa man kanilang inilalaban ang right to remain silent at right against self-incrimination na ginagarantiya ng Saligang Batas.
Sinabi ng dalawang ginang na malinaw na wala nang dahilan para ipakulong ang kanilang kaanak dahil natapos na ang Senate Inquiry subalit ang kanilang apela para sa house arrest ay hindi pinakikinggan ng Senado.
Sa ngayon ay umaasa ang mga kaanak ng Pharmally executives na pakikingan ng CHR ang kanilang apela lalo pa at nakabinbin pa rin sa Korte Suprema ang kanilang motion for certiorari at habeas corpus petition sa Court of Appeals.
“We are appealing to your kind assistance, in accordance with the mandate given to your Commission by the Constitution, to address these issues which go to the very heart of basic rights afforded to every Filipino under our system of government,” pagtatapos pa sa liham.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.