OFW Hospital sa Pampanga magiging operational na sa Hunyo

By Chona Yu May 02, 2022 - 02:04 PM

Magiging fully operation na simula sa buwan ng Hunyo ang bagong tayong Overseas Filipino Workers Hospital sa San Fernando, Pampanga.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay matapos pangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng bagong ospital kahapon.

Ayon kay Bello, donasyon ng pamahalaan ng Pampanga ang 1.5 ektaryang lupa na nagkakahalaga ng P400 milyon.

Nasa P600 milyon ang naging donasyon naman ng Bloomberry Cultural Foundation para sa pagpapatayo ng ospital.

Sa ngayon, sinabi ni Bello na mga ordinary treatment pa lamang ang ginagawa sa OFW Hospital dahil ilalagay pa lamang ang P200 milyong halaga ng medical equipment ng dialysis, MRI, CT scan at iba pa.

 

TAGS: june, Labor Secretary Silvestre Bello, news, OFW Hospital, operational, Pampanga, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, june, Labor Secretary Silvestre Bello, news, OFW Hospital, operational, Pampanga, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.