Pangalan ng susunod na PNP chief, hawak na ni Pangulong Duterte

By Chona Yu April 29, 2022 - 11:04 AM

Hawak na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng dalawang pangalan na posibleng maging susunod na hepe ng Philippine National Police.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, seniority at competence ang naging basehan ng dalawang kandidato.

Magre-retiro na sa Mayo 8 si PNP chief Dionard Carlos.

Hindi naman tinukoy ni Año ang pagkakakilanlan ng dalawang senior officials na posibleng pumalit sa puwesto ni Carlos.

Ayon kay Año, isinumite niya ang kanyang rekomendasyon sa Pangulo noong Martes, Abril 26.

Nasa pagpapasya na aniya ni Pangulong Duterte kung sino ang pipiliin na susunod na PNP chief.

 

TAGS: Dionard Carlos, eduardo año, news, PNP chief, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Dionard Carlos, eduardo año, news, PNP chief, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.