Bilang ng nailigtas sa bumagsak na tulay sa Bohol, umabot na sa 23
Patuloy ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Western Bohol sa bumagsak na tulay sa Loay, Bohol.
Bumagsak ang old clarin bridge noong Miyerkules, Abril 27.
Sa datos hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (Abril 28), umabot na sa 23 ang bilang ng sibilyang nailigtas sa naturang insidente at binibigyan ng atensyong medikal sa Loay Health Office.
Maliban sa Bureau of Fire Protection (BFP) at ilang small fishing boat operators, katuwang na rin ng PCG sa operasyon ang ilang volunteer rescue divers mula sa Panglao.
Base sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dahil hindi kinaya ng naturang tulay ang bigat ng mga sasakyan dahil sa car congestion o mabigat na daloy ng trapiko.
Nadiskubre ng PCG na 12 sasakyan (truck, kotse, tricycle, at motorsiklo) ang nahulog sa ilog dahil sa insidente.
Samantala, apat na biktima naman ang idineklarang “dead on arrival” nang maihatid sa naturang health center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.