Road repair and reblocking sa ilang kalsada sa NCR, itutuloy ng DPWH sa weekend
Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at repair sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila sa darating na weekend.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasagawa ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (Abril 29).
Narito ang mga maaapektuhang kalsda:
1. EDSA Guadalupe Makati City NB innermost lane (bus way) mula EDSA Guadalupe footbridge hanggang EDSA Guadalupe Cloverleaf (malapit sa Guadalupe MRT Station)
2. EDSA Quezon City NB/ EDSA Quezon City SB P. Tuazon Aurora Blvd. 1st lane mula sa sidewalk (intermittent section) at Aurora Blvd. hanggang Arayat 1st lane mula sa sidewalk
3. C-5 Road NB (3rd lane) bago ang Mckinley Road Makati City
4. C-5 Road SB Makati City sa bahagi ng 2nd lane malapit sa elevated U-Turn
5. EDSA- SB Caloocan City bago ang Biglang Awa St., (3rd lane mula sa sidewalk) Caloocan City
6. West Ave. Quezon City sa bahagi ng West Ave. sa pagitan ng Bulletin Street at Times Street (1st lane mula sa sidewalk)
7. Mindanao Ave. NB Quezon City mula sa Shell Gas Station hanggang Road 20 (2nd lane/ truck lane)
8. Sa bahagi ng EDSA SB Quezon City Service Road Corner 11th Jamboree hanggang Timog Avenue intersection- opposite Mapagmahal St. hanggang Kamuning Road (2nd block mula sa sidewalk)
9. C.P. Garcia Ave. patungong Katipunan Ave. Quezon City (C5) sa harap ng Institute of Mathematics (1st block mula sa sidewalk)
10. C-5 Road Pasig City sa bahagi ng Pasig Blvd. SB sa harap ng North American Automotive at bahagi ng Doña Julia Vargas Westbound sa harap ng Banco De Oro Julia Vargas Pasig City
11. Sa bahagi ng A. Bonifacio Corner C3 Quezon City
Maari namang muling madaanan ang mga nabanggit na kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw, May 2.
Inabisuhan ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.