Incoming Pres. Duterte, tinawag na most hypocritical institution ang simbahang Katolika
Tinawag na “most hypocritical institution” ni incoming President Rodrigo Duterte ang simbahang Katolika, sabay banat sa mga Obispo na nagtangka umanong sirain ang suporta sa kanya ng publiko bago sumapit ang May 9 elections.
Ang tinutukoy ni Duterte ay ang ipinalabas aniyang pastoral letter ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP, ilang araw bago maghalalan na ang layun ay huwag siyang piliin ng mga botante.
Sa kabila nito ay nanalo pa rin aniya siya sa Presidential elections na tinawag niyang “public referendum” sa pagitan niya at ng mga Obispo.
Partikular pang tinukoy ng akalde ang inihayag ng CBCP nuong Mayo a-uno kung saan hinimok ang publiko na huwag iboto ang mga “morally reprehensible” candidate na naglalapastangan sa karapatan ng ibang tao at sa turo ng simbahan.
Una nang binatikos ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas si Duterte dahil sa pagmumura nito sa Santo Papa matapos siyang magalit dahil sa idinulot na matinding trapiko ng pagbisita ni Pope Francis sa Metro Manila Nuong Enero ng 2015 at sa mga naging pahayag ng alkalde hinggil sa pagpatay ng mga criminal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.