PDP-Laban inirerespeto ang pag-atras ni Marcoleta sa ‘senatorial race’
Iginagalang ng PDP – Laban ang pag-atras ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta sa pagtakbo sa pagka-senador higit isang linggo na lamang bago ang eleksyon.
Sa inilabas na pahayag ni party president Alfonso Cusi, ikinalulungkot nila ang desisyon ni Marcoleta sa pagsasabing malaking kawalan ito sa partido, gayundin sa kanilang milyon-milyong tagasuporta.
“He is a true asset to the PDP Laban senatorial slate, as he is a great loss incoming Senate, as this man is truly worthy of a Senate seat,” sabi pa ni Cusi.
Diin ni Cusi, susuportahan nila ang anumang binabalak ni Marcoleta dahil aniya nakakatiyak sila na patuloy na pagsisilbihan nito ang sambayanan.
Dagdag pa nito, ipagpapatuloy din nila ang mga ipinaglalaban ni Marcoleta sa Mababang Kapulungan – tulad ng murang presyo ng kuryente, mga bilihin, krudo, mataas na sahod at pantay na mga benepisyo sa mga manggagawa.
Gayundin ang pagnanasa nito ng pagkakaroon ng kapayapaan at pagsuporta sa mga adbokasiya ni Pangulong Duterte.
Idinahilan ni Marcoleta ang mababang puwesto sa surveys sa kanyang desisyon na umatras na sa laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.