Pangulong Duterte, aminadong nagkamali sa pag-aakalang matatapos ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na mali siya sa pag-aakalang matatapos ang problema sa ilegal na droga sa bansa sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.
Sa talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng
Cebu-Cordova Link Expressway sa Cordova, Cebu, sinabi nito na mahirap resolbahin ang problema sa ilegal na droga.
Paliwanag ng Pangulo, mahirap matunton ang mga mayayaman at ang mga mayayamang drug lord dahil nakatira sa mga mansyon na may matataas ang bakod at may mga gwardya.
Pag-amin ng Pangulo, panahon ng kampanya noong 2016 kung kaya payabangan nang masambit na kayang maresolba ang naturang problema sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.
Pero nang maupo na aniya siya sa pwesto at buksan ang records ng Philippine National Police (PNP), laking gulat nang makita na anim na police generals ang dawit sa ilegal na droga.
Sa halip aniya na magtrabaho ang mga pulis, ibang trabaho ang inatupag ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.