Sen. Bong Go sa mga botante: Bumoto ayon sa konsensiya, bantayan ang balota!

By Jan Escosio April 28, 2022 - 12:59 PM

Ngayon higit isang linggo na lamang at eleksyon na, umapila si Senator Christopher Go sa mga botante na panindigan at pumili sa mga kandidato ayon sa kanilang konsensiya.

Bilin pa niya, huwag iboto ang mga kandidato na nananakot ng mga botante at bumibili ng boto.

“Huwag kayong magpapasindak! Huwag kayong magpapadala sa mga pananakot at panunuhol para lang iboto ang mga lider na hindi naman ninyo gusto at hindi kumakatawan sa interes ng higit na nakararami. Patuloy tayong maging mapagmatyag sa mga susunod na linggo at hanggang sa mismong araw ng halalan,” ang panghihikayat ng senador.

Sinegundahan nito ang panawagan ni Pangulong Duterte na gawing maayos, patas at may kredibilidad ang magiging halalan sa Mayo 9.

“Dapat maging patas at tahimik ang halalan upang matiyak na ang magiging resulta ng eleksyon ay tunay na kumakatawan sa kagustuhan ng sambayanang Pilipino,” dagdag pa ng senador.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.