Ping Lascon kinamusta, natuwa sa ‘Yolanda scholars’

By Jan Escosio April 28, 2022 - 09:31 AM

Labis na ikinatuwa ni independent presidential aspirant Ping Lacson na marami sa mga naging ‘Yolanda scholars’ ay tumutulong naman sa mga biktima ng kalamidad.

Sa pagbabalik ni Lacson sa Ormoc City, kasama ang ang running mate, Senate President Tito Sotto, kabilang sa kanyang nakasalamuha ay ang mga nabigyan ng scholarship grant sa pamamagitan ng Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR).

Pinamunuan ni Lacson ang OPARR para pangunahan ang pagtulong at pagbangon ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

“Parang fulfilling. Of course tinamaan na naman ng Odette, tinamaan na naman ng Agaton. And we take pride in one of our legacy projects, nagpa-scholar kami ng 162 planning officers, who are now giving services sa kanilang respective municipalities,” ang masayang pagbabahagi ni Lacson.

Nooong 2014, tinulungan ng OPARR ang 171 lungsod at bayan na nasalanta ng Yolanda, kasama anag 162 planning officers na nagtapos mula sa Development Academy of the Philippines, sa tulong na rin ng USAID na nagbigay ng $10 milyon.

Nagtungo sa Ormoc City sina Lacson at Sotto, kung saan ay nakipag-usap sila kay Mayor Richard Gomez, at nakipag-diyalogo sa mga kinatawan ng ibat-ibang sektor para lubos na maipaliwanag ang kanilang mga plataporma.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.