Mga biktima ng Marawi siege noong 2017, makatatanggap na ng kompensasyon

By Chona Yu April 27, 2022 - 07:01 PM

Radyo Inquirer File Photo

Makatatanggap na ng kompensasyon ang mga biktima ng Marawi siege noong 2017.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11696.

Sa ilalim ng bagong batas, bubuo ang pamahalaan ng isang independent at quasi-judicial body na tatawaging Marawi Compensation Board.

Pamumuuan ito ng isang chairman at walong miyembro na itatalaga ng pangulo.

Layon ng batas na ito na bigyang kompensasyon ang mga indibidwal na nawalan ng tirahan o nawasak ang kanilang property, dahil sa pagkubkob ng teroristang Maute sa Marawi City.

Layon rin ng batas na bigyang kompensasyon ang mga naiwang kaanak ng mga nasawi sa naganap na karahasan sa lungsod.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas noong Abril 13, 2022.

TAGS: InquirerNews, MarawiCompensationBoard, MarawiSiege, RadyoInquirerNews, RepublicAct11696, InquirerNews, MarawiCompensationBoard, MarawiSiege, RadyoInquirerNews, RepublicAct11696

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.