Miyembro ng terror groups sa Mindanao, rumaraket eleksyon – PNP
Ibinunyag ng pambansang pulisya na ilan sa mga nahuling miyembro ng private armed groups (PAGs) sa Mindanao ay kabilang sa local terrorist groups.
Sinabi ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo na base sa kanilang pag-iimbestiga, mismong mga pulitiko pa ang kumukuha sa serbisyo ng mga terorista para gamiting bodyguards sa panahon ng eleksyon.
“Some of them were members of the local terrorist groups moonlighting as private goons of local politicians during election period,” dagdag pa nito.
Aniya, nagpapatuloy pa ang kanilang pag-iimbestiga para malaman ang pagkakasangkot ng mga pulitiko.
Ginawa ni Fajardo ang pahayag matapos ianunsiyo na 20 miyembro ng PAGs ang kanilang naaresto sa Mindanao.
Ang paghahanap sa mga miyembro ng private armies ay bahagi ng paghahanda sa seguridad ng papalapit na eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.