COVID-19 booster shot hesitancy, mataas – survey

By Jan Escosio April 27, 2022 - 09:24 AM

QC government photo

Ikinukunsidera na mataas pa ang bilang ng mga ‘fully vaccinated’ sa bansa na wala pang booster shot.

Base sa resulta ng OCTA Research Group survey noong Marso 5 hanggang 10, 13 porsiyento sa 1,200 respondents ang nagsabing hindi sila magpapaturok ng booster shot.

Sa bilang, anim na porsiyento ang nagsabing sigurado sila na hindi magpapaturok ng third dose at pitong porsiyento naman ang sumagot na malamang ay hindi sila magpapabakuna ng booster shot.

May 10 porsiyento pa ang nagsabi na hindi sila sigurado kung magpapaturok o hindi ng booster shot.

Nabatid na 26 porsiyento sa respondents ang tumanggap na ng booster shot at 51 porsiyento ang nagsabing handa silang magpaturok ng third dose ng COVID-19 vacccine.

Mataas ang booster shot hesitancy sa Mindanao sa 21 porsiyento, 15 porsiyento naman sa Visayas, siyam na porsiyento at pitong porsiyento sa Luzon at Metro Manila.

TAGS: COVIDbooster, COVIDvaccination, COVIDvaccine, FranciscoDuqueIII, InquirerNews, OCTA, OCTAReseach, RadyoInquirerNews, COVIDbooster, COVIDvaccination, COVIDvaccine, FranciscoDuqueIII, InquirerNews, OCTA, OCTAReseach, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.