Bad news sa mga power consumer!
Ito’y dahil tataas ang singil sa kuryente sa darating na Hunyo, matapos aprubahan ng Energy Regulatory Board o ERC ang P0.065 per kilowatt hour na power rate adjustment.
Ayon kay ERC spokesperson Florensinda Digal, ang dagdag-singil ay mapupunta sa differential ancillary services charge.
Paliwanag ni Digal, ito ang bayarin para sa ancillary services o backup services, na ‘unpaid’ daw mula 2008 hanggang 2009.
Noong May 20, 2009, inihain ng National Grid Corp. of the Philippines o NGCP sa National Power Corp ang approval para sa Ancillary Service Procurement.
Napagpasyahan na ang kaso noong March 2010, kasabay ng approved rates.
Sinimulan ng NPC ang ancillary services mula noong March 2008 hanggang October 2009, pero taliwas sa rates na otorisado.
Sinabi ni Digal na ang P0.065 ay batay sa translastion ng ERC na kabuuang diffential amount na aabot sa P5.2 billion, kasama na ang Value Added Tax o VAT.
Dagdag ni Digal, ang aprubadong recovery scheme para sa Luzon ay anim na buwan, habang tatlong taon para sa Visayas at Mindanao.
Ang adjustment ay magrereflect na sa June billing ng mga power consumer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.