Gibo Teodoro, tumanggi na sa alok na maging DND Chief sa Duterte Administration

By Isa Avendaño-Umali May 22, 2016 - 09:48 AM

GiboKinumpirma ni incoming President Rodrigo Duterte na tumanggi na si Gilbert ‘Gibo’ Teodoro sa alok na maging kalihim ng Department of National Defense o DND.

Ayon kay Duterte, isa sa mga rason kaya hindi raw tinanggap ni Teodoro ang DND post ay dahil sa pagkakaiba nila ng posisyon sa ilang usapin.

Kabilang na aniya rito ang isyu sa pagmimina, lalo’t chairman ng isnag mining company si Teodoro.

Sinabi pa ni Duterte na alam ni Teodoro na galit siya sa mining na labis na nakakaapekto sa kalikasan.

Nauna nang sinabi ni Teodoro na inalok nga siya ni Duterte ng pwesto sa gabinete.

Gayunman, hindi raw siya agad nag-oo dahil kinailangan niyang kunsultahin muna ang pamilya.

Si Teodoro ay dating Kongresista pero mas nakilala bilang DND Secretary noong administration ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Taong 2010, sumabak si Teodoro bilang pambato ng partidong Lakas-Kampi-CMD sa Presidential race, subalit tinalo ni Pangulong Noynoy Aquino.

TAGS: Gilbert Teodoro, Rodrigo Duterte, Gilbert Teodoro, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.