16,000 pamilya na naapektuhan ng Odette inayudahan ng Globe, subscribers

By Jan Escosio April 25, 2022 - 09:27 PM

 

Higit P2.9 milyon ang nakolektang donasyon ng Globe mula sa kanilang subscribers at ito ay ipinangtulong sa higit 16,000 pamilya na naapektuhan ng bagyong ‘Odette.’

Bukod pa dito ang P36.7 milyong donasyon na nakolekta ng Globe para din sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Bukod pa dito, naglagay din ang Globe ng 130 charging sites, gayundin para sa libreng tawag para sa kapalagayan ng mga biktima at ng kanilang mga mahal sa buhay na nasa ibang lugar.

Nagpapatuloy din ang restoration works sa mga apektadong lugar para maibalik sa normal ang mga serbisyo.

“We know that this is still a difficult time for our kababayans. Typhoon Odette hit the country last December, but its effects are still being felt to this day. We want our customers to know that we are doing everything we can to serve and extend help in the affected communities,” sabi ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at SVP Group Corporate Communications Officer.

Nagkaloob din ang telco ng unlimited GoWifi services sa malls, airports at government offices, tatlong araw na libreng 5G connectivity sa 107,000 Globe At Home Prepaid Wifi customers, extended due date payments, bill rebates, broadcast messaging support sa 83 bayan at maliliit na negosyo sa loob ng isang buwan at iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.