Taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad sa April 26
Abiso sa mga motorista.
Magpapatupad na ng price increase sa mga produktong petrolyo.
Batay sa anunsiyo ng Cleanfuel, Seaoil, at Shell, may dagdag na P4.10 sa kada litro ng diesel habang P3.00 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.
Magkakaroon din ng taas-presyo na P3.50 sa bawat litro ng kerosene ng Seaoil, at Shell.
Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Seaoil, at Shell, bandang 6:00, Martes ng umaga.
Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.
Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.