Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 509.54 milyon
Pumalo na sa 509.54 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 509,542,737 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 82,662,748 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,059,821 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 30,349,463 naman ang kaso sa Brazil habang 28,303,931 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 24,140,700
– United Kingdom – 21,933,206
– Russia – 18,137,137
– South Korea – 16,929,564
– Italy – 16,136,057
– Turkey – 15,018,547
– Spain – 11,786,036
– Vietnam – 10,563,502
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,243,199 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 462,200,736 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.