Ilang kalsada sa Manila, sarado ngayong araw para sa political rally

By Chona Yu April 23, 2022 - 11:17 AM

 

Isasara ng Metro Manila Development Authority ang ilang kalsada sa Manila para bigyang daan ang political rally ng isang kandidato.

Ayon sa MMDA, simula 12:00 ng tanghali ngayong araw, Abril 23, 2022, sarado ang mga sumusunod:

– kahabaan ng Figueras St. (Bustillos) mula Legarda St. hanggang Earnshaw St. at panulukan ng Jhocson St.

– kahabaan ng San Anton mula M. Arenas St., hanggang Figueras St.

– kahabaan ng San Anton mula Renten St., hanggang Figueras St.

– kahabaan ng Manrique St., hanggang Castanos St.  at Figueras St.

– kahabaan ng Lardizabal St. mula Jhocson St. hanggang Figueras St.

Pinapayuhan ang mga apektadong motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Lahat ng sasakyan na manggagaling sa Sta. Mesa area patungo sa Legarda St. at nagbabalak na dumaan sa Figueras St. ay maaring magtungo sa CM. Recto Ave. hanggang sa destinasyon.

Ang mga sasakyan na magmumula saa Mendiola St. at patungo ng Legarda St. ay maaring dumaan sa Lacson Avenue hanggang sa kanilangd estinasyon.

Ang mga sasakyan na galing sa Earnshaw St. ay maaring dumaan sa Cayco St. patungo sa point of destination.

Ang mga sasakyan na galing sa Fajardo St. na balak sanang dumaan sa Figueras St. ay maaring lumiko sa kanyan patungo ng Earnshaw St., kaliwa sa Cayco St. at patungo sa point of destination.

Ang mga sasakyan na manggaling sa Renten St. na balak sanang dumaan sa Figueras St. ay maaring lumiko sa kanan sa San Anton St., kaliwa sa Dalupan St. (Gastambide) hanggang sa point of destination.

Ang mga sasakyan naman na mula sa San Anton St. na balak sanang dumaan sa Figueras St. ay maaring kumaliiwa sa M. Arenas St. patungo sa point of destination.

Hindi naman tinukoy ng MMDA kung kaninong political rally ang gagawin sa Manila.

Una rito, sinabi ni Manila mayoralty candidate Alex Lopez na ngayong araw gagawin ang rally nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte sa lungsod ng Manila.

 

TAGS: BBM, manila, mmda, news, political rally, Radyo Inquirer, road closure, Sara Duterte, BBM, manila, mmda, news, political rally, Radyo Inquirer, road closure, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.