LTO NCR West, nakakolekta ng P4 bilyon sa Abril 2022

By Angellic Jordan April 22, 2022 - 07:33 PM

Photo credit: STRADCOM

Pumalo sa P4 bilyon ang nakolekta ng Land Transportation Office (LTO) NCR West sa buwan ng Abril.

Ayon kay LTO NCR West Regional Director Atty. Clarence Guinto, mula ito sa pagpaparehistro ng mga bagong sasakyan sa pamamagitan ng online payment channels nito.

Bunsod nito, pinarangalan ng LTO ang iba’t ibang organisasyong naging katuwang ng ahensya para makamit ang naturang tagumpay noong Huwebes, Abril 21.

Pinangunahan nina LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante, Dir. Guinto, at iba pang opisyal ng LTO at Department of Transportation (DOTr) ang pagtitipon at dinaluhan ng mga partner ng ahensiya mula sa pampubliko at pribadong sektor.

Ayon kay Guinto, nagbigay-daan ang implementasyon ng LTO Payment Assessment Tool (LTO PAT) at ng Land Bank electronic Payment Portal System (ePPS) para sa mas mabilis at maayos na payment option para sa mga kliyente ng LTO.

Dagdag pa nito, nakatulong ang online payment alternative na ito para mapatibay ang integridad ng cash management system ng LTO.

Ang LTO PAT ay nai-develop ng information technology (IT) company na STRADCOM. Ito rin ang nasa likod ng pag-automate ng proseso at sistema ng LTO.

Layon nitong pabilisin ang proseso ng pagrerehistro sa mga bagong sasakyan mula sa kadalasang pitong araw hanggang sa maging tatlong araw na lamang.

Unang ginamit ng LTO NCR ang LTO PAT noong Oktubre 2018.

TAGS: InquirerNews, lto, lto ncr, LTO PAT, RadyoInquirerNews, STRADCOM, InquirerNews, lto, lto ncr, LTO PAT, RadyoInquirerNews, STRADCOM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.