De Lima pinaboran ang pagbabawal sa mga pulis sa e-sabong business

By Jan Escosio April 22, 2022 - 08:47 AM

Sinabi ni reelectionist Senator Leila de Lima na kailangan magkaroon ng batas na magbabawal sa mga opisyal at tauhan ng pambansang-pulisya na pumasok sa e-sabong business at sa iba pang legal na pasugal.

Katuwiran ng senadora maaring magresulta lamang sa korapsyon kung ang pulis o kahit ang kanyang pamilya ay sangkot sa negosyo ng sugal.

Una nang inamin ni Police Lt. Col. Ryan Jay Orapa, hepe ng NCRPO – Drug Enforcement Unit, sa pagdinig sa Senado ukol sa mga nawawalang sabungero, na may interes ang kanyang asawa sa isang kompaniya na may kontrata sa isang negosyo ng online sabong.

Dagdag ni de Lima, may ‘conflict of interest’ kapag ang isang alagad ng batas ay nasa negosyo ng pagsusugal dahil maaring gawing prayoridad nila ang pagbibigay proteksyon sa kanilang negosyo sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Sabi pa nito, gustong-gusto ng mga gambling lords na may mga kasosyo sila na awtoridad para may proteksyon ang kanilang negosyo.

TAGS: e-sabong business, leila de lima, news, Radyo Inquirer, e-sabong business, leila de lima, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.