3,000 ex-BBM supporters sinalubong si Aika Robredo sa Nueva Vizcaya

By Jan Escosio April 21, 2022 - 12:58 PM

Kasama sa mga sumalubong kay Aika Robredo sa pagbisita nito sa Nueva Vizcaya ay ang 3,000 dating sumusuporta kay presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

Kabilang ang mga ito sa mga aktibong nangangampaniya para sa panalo ni Vice President Leni Robredo.

“Nagpapasalamat kami sa inyong walang pagod na pagtulong at pagabhay-bahay para sa ating bise president. Tinitiyak ko na si mama ay magiging president ng lahat, walang kulay, walang lugar na malaki o maliit,” ang mensahe ng nakakabatang Robredo sa isinagawang People’s Rally sa St. Louis School sa bayan ng Solano.

Bago ito, nagtungo sa Kiangan, Ifugao si Aika kung saan binisita niya ang mga miyembro ng Kiangan Weavers Association, na nakatanggap ng tulong mula sa Office of the Vice President.

Bumisita at nagbigay-galang din si Aika kay Bishop Jose Elmer Imas Mangalinao, bago nangampaniya sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal.

Sa kanyang pangamngampaniya sa tinatawag na ‘Solid North,’ una nang nakapagsagawa ng house-to-house campaign ang panganay na anak ni Robredo sa Cagayan at Isabela.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.