Patay sa bagyong Agaton lumubo na sa 224

By Jan Escosio April 21, 2022 - 11:26 AM

Umabot na sa 224 ang bilang ng mga nasawi sa ginawang pananalasa ng bagyong Agaton sa Visayas at Mindanao.

Sa inilabas na update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NRRMC) ngayon umaga, may 147 pa ang nawawala dahil sa nagdaang kalamidad.

Mahigit isang linggo, kabuuang 599, 956 pamilya o higit dalawang milyong indibiduwal ang naapektuhan sa siyam na rehiyon.

May 175, 794 indibiduwal ang hindi pa nakaka-uwi at higit kalahati ang nananatili sa 447 evacuation centers.

Sa 11,729 bahay na napinsala, 10, 519 ang maari pang maayos at ang natitirang 760 ay itinuring na ‘totally damaged.’

Samantala, sa 76 lungsod at bayan na nasalanta, 12 pa lamang ang naibalik na ang suplay ng kuryente at hindi pa naibabalik naman ang suplay ng tubig sa tatlong lungsod at bayan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.