Sen. Joel Villanueva may hirit sa bagong provincial bus scheme

By Jan Escosio April 21, 2022 - 09:59 AM

Nanawagan si reelectionist Senator Joel Villanueva sa Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bawiin ang bagong provincial bus scheme.

Ayon kay Villanueva dapat ay ikunsidera at unawain ng gobyerno ang sitwasyon ng mga mananakay, gayundin ng provincial bus operators at drivers.

Ang bagong window hour para sa provincial buses ay mula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng madaling araw.

Diin ng senador dapat ay binigyan ng sapat na panahon para makapag-adjust ang mga mananakay bago ipinatupad ang bagong plano.

Dagdag pa ni Villanueva dapat ay pinag-aralan muna ng husto ang naturang plano bago ipinatupad dahil ang kita ng mga bus operators at kanilang trabahador ay naka-depende sa bilang ng mga pasahero.

“Lets be reminded that we are still recovering from the pandemic lockdowns and that  a lot of livelihoods are dependent on the provincial bus routes,” dagdag pa nito.

Pangangatuwiran pa ni Villanueva, maaring maging walang silbi ang maluwag na daloy ng mga sasakyan kung wala naman masasakyan ang publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.