Nasa 372,878 printed official ballots ang lumabas na depektibo, ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ni Comm. George Garcia, ang bilang au .58 porsiyento ng 67 million printed ballots.
Dagdag pa niya, ire-rprint ang mga naturang depektibong balota.
Una na niyang sinabi na susunugin ang mga printed ballots at ito ay masasaksihan ng ng mga partido pulitikal, gayundin ng media.
Katuwiran niya, ito ay upang maiwasan ang pagdududa na magagamit sa dayaan ang mga depektibong balota sa eleksyon sa Mayo 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.