Stop-and-go traffic scheme ipatutupad sa bahagi ng Roxas Boulevard, Diokno Boulevard
Ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang stop-and-go traffic scheme sa bahagi ng Roxas Boulevard at Diokno Boulevard sa Lungsod ng Maynila sa araw ng Miyerkules, Abril 20.
Ayon sa MMDA, iiral ang naturang traffic scheme simula 8:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.
Layon nitong bigyang-daan ang idaraos na World Travel and Tourism Council Global Summit 2022.
Aabot sa 415 tauhan ng ahensya ang itatalaga upang masiguro ang maayos na trapiko sa nasabing lugar.
Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.