Atty. Liza Marcos, pinagkaguluhan sa Singapore

By Chona Yu April 19, 2022 - 02:49 PM

Screengrab from The Boy Abunda Talk Channel/YouTube

Pinagkaguluhan ng mga Filipino sa Singapore si Atty. Liza Marcos, maybahay ni presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., makaraang maispatan ito sa lansangan noong April 4.

Sa iba’t ibang post sa social media, makikita si Atty. Liza sa Orchard Road, isang upscale shopping district, sa labas ng Wisma Atria mall, na pinalilibutan ng kababaihan na kumukuha ng wefies.

Isa sa mga Tiktok user ang nagsabing “Pinagkaguluhan Atty. Liza Araneta Marcos sa Wisma.”

Isa pa ang nag-post at sinabing “Our first lady Mrs Liza Marcos in Singapore. Ngiting walang kaplastican at pakikipag yakapan na walang bahid ng pagkukunwari. Super open arms to everybody.”

Si Ginang Marcos na isang criminal lawyer at law professor, ay kadalasang wala sa limelight sa mga kampanya ng kanyang mister, subalit isang beses nagpaunlak ng panayam kasama ang isa sa kanilang mga anak na si Vincent kay Boy Abunda noong nakaraang buwan.

Ang 24-anyos na si Vincent “Vinny” Marcos, bunsong anak nina Bongbong at Liza, ay nagtatrabaho bilang software engineer sa Singapore.

TAGS: InquirerNews, LizaMarcos, RadyoInquirerNews, InquirerNews, LizaMarcos, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.