Operasyon ng BI sa Semana Santa, naging maayos

By Angellic Jordan April 18, 2022 - 03:51 PM

Naging maayos at walang naging aberya sa operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa kasagsagan ng Semana Santa.

Ayon kay Atty. Carlos Capulong, BI Port Operations Division Chief, bahagyang tumaas ang mga dumating na pasahero noong Biyernes Santo, April 15, at Sabado de Gloria, April 16.

Umabot aniya sa 13,783 ang kabuuang bilang ng mga dumating na pasahero sa bansa noong Biyernes, habang 15,234 naman noong Sabado.

Ani Capulong, “There was a slight rise from the usual 11-12k average arrivals we’ve seen in the past few days.”

Samantala, sinabi nito na nakapagproseso ang kanilang immigration officers ng mahigit 12,000 departing passengers noong nakalipas na linggo.

Matatandaang itinaas ni BI Commissioner Jaime Morente sa high alert ang frontline immigration officers kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero noong Holy Week.

TAGS: HolyWeek2022, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SemanaSanta2022, HolyWeek2022, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SemanaSanta2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.