Duterte, binati na rin ng Australia

May 21, 2016 - 04:24 AM

duterte2-0511-620x349 (1)Nagpahatid na rin ng malugod na pagbati ang pamahalaan ng Australia kay presumptive President Rodrigo Duterte para sa kaniyang panalo.

Ayon sa pahayag na inilabas ng Australian Foreign Ministry kahapon, nasasabik at handa na silang makipagtrabaho sa bagong administrasyon ng Pilipinas, at inaasahan nilang sa ilalim nito ay maipagpapatuloy ang magagandang naipundar ng bansa.

Handa na rin ang Australia na makipag-ugnayan sa bagong gobyerno ng Pilipinas para sa pagpapaganda ng relasyon ng dalawang bansa at para masolusyunan ang mga pagsubok na kinakaharap nila at ng buong mundo.

Dagdag pa sa pahayag, mayroong parehong pananaw ang Pilipinas at Australia kaungay sa pagsusulong ng demokrasya, determinasyon na magkaroon ng kapayapaan, seguridad at paglago ng ekonomiya.

Binati pa rin siya ng Australia sa kabila ng naging banat ni Duterte noon nang patahimikin niya ang kinatawan ng nasabing bansa kaugnay ng umano’y biro niya tungkol sa na-rape at napatay na Australian missionary.

Kasunod nito, nagbanta pa si Duterte na puputulin na ang ugnayan sa Australia kung hindi patuloy na makikisawsaw ang bansa sa isyu./ Kathleen Betina Aenlle

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.