DepEd inanunsiyo ang classes suspension sa May 2- 13 dahil sa eleksyon
Suspindido ang lahat ng mga klase sa mga pampublikong paaralan simula sa Mayo 2 hanggang 13 upang bigyan daan ang lahat ng mga aktibidad na may kinalaman sa eleksyon sa Mayo 9.
Sakop ng suspensyon ng mga klase ang mga nasa Kindergarten hanggang Grade 12 o Senior High School.
Ito ang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) at base ito sa Department Order No. 29 na inilabas noong nakaraang Agosto 5.
“Ayon ito sa DepEd Order No. 29, s. 2021, na naglalaan sa mga nasabing araw para sa National Election-related Activities ng mga guro at kawani ng DepEd,” ayon sa kagawaran.
Ngunit nilinaw din na kinakailangan pa rin pumasok sa mga paaralan ang mga guro sa mga araw na walang election-related activities o duties.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.