Nag-anunsiyo na ang ilang kompaniya ng langis sa pagtaas ng presyo ng kanilang mga produktong-petrolyo bukas, araw ng Martes.
Kasunod ito nang dalawang linggo na magkasunod na pagtapyas sa presyo ng krudo, gasolina at kerosene.
Tataas ng P1.70 ang kada litro ng diesel ng Shell, Seaoil at Cleanfuel. Madadagdagan naman ng P0.45 ang kada litro ng gasolina at P0.45 din sa bawat litro ng kerosene.
Magbabago ang presyo ang Shell ng ala-6 ng umaga, samantalang alas-4 ng hapon naman sa Cleanfuel.
Itinuro ang mas mahal na presyo ng inangkat na petrolyo noong nakaraang Huwebes Santo bilang dahilan nang ‘price adjustments.’
Inaasahan na susunod na mag-aanunsiyo ng kanilang ‘price hike’ ang iba pang kompaniya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.