Ibinida ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na higit pa sa inaasahan ang kanilang naging performance noong halalan.
Ito’y kahit pa marami rin silang pinagdaanang mga pagsubok mula sa paghahanda hanggang sa mismong halalan noong Mayo 9.
Ayon kay Bautista, nasiyahan naman siya sa naging kinalabasan ng halalan at naniniwala siya na humigit pa sa kanilang inaasahan ang kanilang naging pagganap sa kanilang mga tungkulin bilang poll body.
Aniya pa, balak rin nilang magsagawa ng pagre-review ng naging performance ng COMELEC upang mas mapagbuti pa ang mga susunod pang halalan.
Baka magpatawag aniya sila ng isang strategic planning conference na dadaluhan ng iba’t ibang opisyalng COMELEC na maaring tumukoy kung anu-ano ang mga nagawa nila nang tama at ano ang mga dapat pang pag-butihin.
Nais rin sana nilang makabuo ng draft omnibus code na sasalamin sa kasalukuyang sitwasyon lalo na kung paano nabago ng teknolohiya ang eleksyon./Kathleen Betina Aenlle
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.