DILG nagpaalala sa LGUs sa ‘election fees’ ng New People’s Army

By Jan Escosio April 13, 2022 - 10:45 AM

Pinaalahanan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga lokal na pamahalaan at kinauukulang ahensiya na huwag papatulan ang paniningil ng New People’s Army (NPA) ng ‘permi-to-campaign’ at ‘permit-to-win’ fees.

Sa inilabas na Memorandum Circular 2019-49, pinaalahanan din ni Año ang mga pulis at kawani ng kagawaran na umiwas sa ‘partisan politics’ ngayon panahon ng eleksyon.

Pagtitiyak nito na sasampahan ng mga kinauukulang kaso base sa Terrorism Financing Prevention and Suppresion Act of 2012, gayundin sa paglabag sa Omnibus Election Code at Revised Penal Code ang mga hindi susunod sa nakasaad sa nabanggit na memorandum circular.

“Tutulong tayo sa pagsasampa ng kaso at pati na rin sa pag-disqualify ng mga kandidato sa sinumang mapapatunayang magbabayad ng permit-to-campaign or permit-to-win fees sa mga grupong [terrorists] ito,’’ sabi pa ng kalihim.

Inanunsiyo din nito na ang Commission on Elections (Comelec) ay maglalabas ng resolusyon para sa pagbuo ng “Task Force Kontra Bigay” (TFKB) kontra pagbili at pagbenta ng boto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.