Walong lugar, nakataas pa rin sa Signal no. 1 dahil sa Bagyong #AgatonPH

By Angellic Jordan April 12, 2022 - 05:57 PM

Halos hindi kumikilos ang Tropical Depression Agaton sa Llorente, Eastern Samar.

Sa abiso ng PAGASA bandang 5:00, Martes ng hapon (April 12), huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng nasabing lugar dakong 4:00 ng hapon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kilometers per hour.

Bunsod nito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Eastern Samar
– Samar
– Northern Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Camotes Island
– Dinagat Islands

Sinabi ng PAGASA na magdadala pa rin ang bagyo ng katamataman hanggang sa mabigat na buhos ng pag-ulan sa Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, northern at central portions ng Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras, at northern at central portions ng Negros provinces.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa MIMAROPA, Dinagat Islands, Zamboanga del Norte, Quezon, at nalalabing parte ng Bicol region at Visayas.

Sinabi pa ng weather bureau na inaasahang mabagal na kikilos ang bagyo pa-Silangan sa susunod na anim hanggang 12 oras bago magtungo sa Philippine Sea.

TAGS: #weatheradvisory, AgatonPH, BreakingNews, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, signal no. 1, TagalogBreakingNews, weatherupdate, #weatheradvisory, AgatonPH, BreakingNews, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, signal no. 1, TagalogBreakingNews, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.