Public assistance operations, pinatitiyak ng NTC sa lahat ng kanilang Regional Directors ngayong Semana Santa
April 12, 2022 - 10:05 AM
Inatasan ni National Telecommunications Communications (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba ang lahat ng Regional Directors ng ahensya para sa Holy Week 2022 public assistance operations.
Sa memorandum na inilabas ngayong Lunes, April 11, nakasaad na bilang serbisyo publiko kaugnay ng paggunita ng Kuwaresma, inatasan ang lahat ng Regional Directors na makipag-ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCS), Civic Action Groups (CAGs) at Amateur Radio Groups (ARGs) na nagbibigay ng HOLY WEEK 2022 public assistance operations sa kani-kanilang nasasakupang lugar at tulungan din ang LGUs at NDRRMC.
Dapat ding tukuyin ng mga Regional Director ang anumang assistance na maibibigay ng NTC, gaya ng pag-iisyu ng temporary permits at licenses na kailangan upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.