Dating general manager ng MIAA, itatagalang energy secretary ni Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo May 20, 2016 - 03:55 PM

Alfonso CusiSi Alfonso Cusi ang napili ni presumptive president Rodrigo Duterte para maging kalihim ng Department of Energy (DOE).

Kinumpirma ito ni Atty. Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo, tinawagan ni Duterte si Cusi ala una ng madaling araw kanina para sabihan ito hinggil sa kaniyang desisyon.

Si Cusi ay dati ng naging general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) at dating pinuno ng Philippine Ports Authority sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Noong taong 2010, naghain si Cusi ng certificate of candicacy para tumakbong kongresista sa 2nd district ng Mindoro Oriental pero nag-withdraw din ito ng kandidatura dalawang buwan bago ang halalan.

Hindi naman idinetalye ni Panelo kung ano ang naging tugon ni Cusi sa alok ni Duterte.

Samantala, inanunsyo din ng kampo ni Duterte na si dating justice undersecretary Jose Calida ang itatalaga bilang Solicitor General./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.