Tito Sotto inihirit ang pag-regulate sa mga surveys

By Jan Escosio April 12, 2022 - 08:38 AM

Nais ni vice presidential candidate Tito Sotto na magkaroon ng regulasyon  sa pagsasagawa ng survey sa panahon ng eleksyon.

Katuwiran ni Sotto sa kanyang hirit, ito ay para hindi magamit sa ‘mind conditioning’ ang mga resulta ng survey.

Sa isang news forum sa Manila Hotel, sinabi pa ni Sotto na kung sususwertehin na manalo ang kanilang senatorial candidates, hiniling niya na gumawa ang mga ito ng panukala ukol sa kanyang nais sa mga survey.

Dagdag pa ni Sotto kailangan ng ‘transparency’ sa paglalabas ng survey results at hindi dapat aniya basta-basta na pinipili ang mga respondents para maiwasan ang pagkokondisyonsa isipan ng publiko.

Kasabay nito, iginiit ni Lacson na hindi siya naniniwala na dalawang porsiyento lamang sa mga sumagot sa surveys ang pumili sa kanyang standard-bearer, si Ping Lacson, lalo na ang resulta na walang pumili sa huli sa mga botante sa Metro Manila.

Base aniya sa pag-iikot nil ani Lacson sa bansa, mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga tao.

TAGS: news, Radyo Inquirer, regulate, survey, Vicente Sotto III, news, Radyo Inquirer, regulate, survey, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.