Malaking koalisyon ng mga Kristiyano at Muslim sumuporta sa BBM – Sara

By Jan Escosio April 10, 2022 - 04:43 PM

Karagdagang suporta ang nakuha ng Bongbong Marcos – Sara Duterte Uniteam mula sa Christian – Muslim Democratic Coalition (CMDC).

Binubuo ang CMDC ng El Shaddai, na pinamumunuan ni Bro. Mike Velarde; People’s National Council for Federalism, Inc. (PNC RevGov) ni dating Makati City Vice Mayor Bobby Brillante; Moro National Liberation Front (MNLF) ni Vice Chairman for Military Affairs Punduma Sani; Bishop Ruben Lambojon, chairman ng National InterFaith Council of the Phils.; at ng Multi-Sectoral  Coalition for Agrarian Reform and Agriculture ni Agrarian Reform Sec. Bernie Cruz.

Nagpahayag din ng kanilang suporta ang CMDC kay senatorial aspirant Guillor Eleazar, gayundin sa Pamilya Muna Partylist ng El Shaddai.

Ayon kay Brillante, ang tagapagsalita ng CMDC, si Marcos ang napili nilang suportahan dahil sa mga presidential aspirants, ito lamang nag sumusuporta sa pederalismo.

Patunay din aniya ang pagpili ni Marcos na tumakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

Sa nauna na nilang pagpapahayag ng suporta kay Duterte, mas ginusto nitong tumakbo sa ilalim ng Lakas – CMD, patunay na isinusulong nito ang Christian – Muslim democracy, bukod sa economic justice.

Kabilang din sa CMDC ang Cordillera People’s Liberation Army ni Mailed Molina; Independent Conference of Bishops of the Phils., ni Bishop Ephraim Perez; Grand Imam Endownment and Federation Affairs ni Imam Padel Hassan; National Commission on Muslim Filipinos, Metro Manila Muslim Consultative Council at Mag-uumang Probinsiyano Inc., ni Benjamin Santos.

Nagsagawa ang CMDC ng inter-faith rally sa El Shaddai International House of Prayer sa Paranaque City kagabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.