296 drivers sa terminal ng SM MOA, PITX sumailalim sa random drug test

By Angellic Jordan April 08, 2022 - 08:28 PM

I-ACT photo

Ikinasa ang ‘Oplan Harabas’ sa araw ng Biyernes, April 8.

Sanib-pwersa ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), Philippine Coast Guard (PCG), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa simultaneous nationwide joint operations upang mapanatili ang kaligtasan sa mga lansangan, lalo’t papalapit ang Semana Santa.

Sa naturang operasyon, mahigit 296 drivers mula sa terminal ng SM Mall of Asia at Parañaque Integrated Terminal Exchange ang sumailalim sa surprise random drug test at alcohol breath analyzer test.

Sa isinagawang pagsusuri, anim ang lumabas na positibo sa ilegal na droga, isa ang lango sa alak, at isa ang tumangging sumailalim sa mga test.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nagpositibong driver.

Maliban dito, mahigit 33 PUV ang dumaan sa motor vehicle safety inspection ng I-ACT, kung saan dalawa ang bumagsak.

Binigyan ang dalawang PUV ng babala at pagkakataong isaayos ang kanilang mga pampublikong sasakyan.

Paalala naman ni I-ACT Chief Charlie Del Rosario, “hindi lamang sasakyan ang dapat nasa kondisyon, pati na rin ang mga taong nagpapatakbo dito.”

Ikinatuwa naman nito ang suporta ng iba’t ibang ahensya sa mga programa ng I-ACT at LTO para matiyak ang road worthiness ng bawat sasakyan.

I-ACT photo

TAGS: DOTrPH, IACTPH, InquirerNews, ltfrb, lto, mmda, OplanHarabas, PDEA, PNP, RadyoInquirerNews, DOTrPH, IACTPH, InquirerNews, ltfrb, lto, mmda, OplanHarabas, PDEA, PNP, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.