Isinailalim sa Alert Level 1 ang Mountain Province sa Cordillera Administrative Region (CAR), Southern Leyte sa Region VIII, at Misamis Oriental sa Region X.
Ayon kay acting Presidential spokesman Martin Andanar, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang naturang alert level.
Nasa Alert Level 1 rin ang Buguias sa Benguet sa CAR, Atimonan at Tiaong sa Quezon sa Region IV-A, Santa Magdalena sa Sorsogon at Masbate sa Region V, Batad at Zarraga sa Iloilo sa Region VI, City of Talisay sa Cebu sa Region VII, Javier (Bugho) at La Paz sa Leyte, Maslog sa Easter Samar at Paranas (Wright) sa Samar (Western Samar) sa Region VIII, Linamon sa Lanao del Norte at Calamba sa Misamis Occidental sa Region X, Padada sa Davao del Sur sa Region XI, Sibagat sa Agusan del Sur at Tubajon at Cagdianao sa Dinagat Islands sa CARAGA.
Magiging epektibo ang Alert Level 1 status simula sa Sabado, April 9, 2022 hanggang April 15, 2022.
Samantala, mananatili naman sa kasalukuyang alert level ang mga hindi nabanggit na probinsya, highly urbanized cities, independent component cities, component cities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.