Publiko pinag-iingat ng Philippine Red Cross sa heat stroke, heat exhaustion

By Jan Escosio April 07, 2022 - 12:44 PM

Ngayon panahon ng tag-init, pinaalalahanan ang publiko ng Philippine Red Cross na mag-ingat sa heat stroke at heat exhaustion.

“Ang heat stroke ay delikadong kondisyon kaya ang bawat pamilyang Filipino ay dapat na mag-ingat sa mga problema dulot ng sobrang taas na temperatura,” paala ni PRC Chairman Dick Gordon.

Bagamat wala pang malinaw na depinisyon ang heat stroke, ayon kay Gordon at base sa Oxford Learner’s Dictionaries, ito ay sakit na maaring magdulot ng pagkawala ng malay dahil sa pananatili sa mainit na lugar ng matagal.

Ngayon taon, naitala ng PAGASA sa Dagupan City sa Pangasinan ang pinakamainit na temperatura na 53 degress Celsius noong nakaraang Marso 17.

Ibinahagi din ni Gordon ang paalala ng Department of Health (DOH) na tuwing mainit na panahon, madalas ang food poisoning at diarrhea.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.