NPA rebels binilinan ni Pangulong Duterte na magpabakuna kontra COVID 19

By Chona Yu April 07, 2022 - 09:34 AM

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na magpabakuna na kontra COVID-19.

Kasunod ito ng pahayag ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may 27 milyong bakuna na binili ng bansa ang malapit nang mag-expire.

Sa pagpababakuna ng mga rebelde, humingi lang ng isang pabor si Pangulong Duterte at ito ay huwag nang pakialamanan ang paghahatid ng mga bakuna sa mga liblib na lugar.

Giit ng Punong Ehekutibo na pinagsusumikapan na madalahan ng mga bakuna ang mga nasa malalayong lugar para sa pagpapabakuna ng mamamayan.

Apila pa nito sa NPA na huwag guluhin ng mga rebelde ang mga healthworkers na magtuturok ng COVID 19 vaccines sa mga malalayong lugar.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.