Travel restriction, hindi kailangang ipatupad sa mga biyahero mula sa UK at Thailand
Hindi na kailangang magpatupad ng bagong travel restriction sa mga biyaherong galing United Kingdom at Thailand.
Ito ay kahit nakapagtala ang dalawang nabanggit na bansa ng bagong variant ng COVID-19 na XE.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na hindi naman mapipigilang makapasok sa bansa ang bagong variant na ito.
Pinakamabisang panangga aniya sa bagong variant ay dapat mga fully vaccinated na indibidwal lamang ang dapat na payagang makapasok sa bansa.
Ayon sa kalihim, kung mapapanatili ng Pilipinas ang mataas na vaccination coverage at immunity laban sa virus, naniniwala ito na hindi magkakaproblema ang bansa sa XE variant na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.