Ping Lacson: Hindi vote buying ang fuel subsidy distribution!
Palaisipan kay independent presidential candidate Ping Lacson ang pagturing sa distribusyon ng fuel subsidiya bilang ‘vote buying.’
Diin ni Lacson hindi makatuwiran sa public utility drivers and operators ang suspensyon dahil lubha silang apektado ng napakataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.
“Unless there is jurisprudence along that line, I don’t think the national government should be covered by the election ban on providing social services to our people especially at a time when the prices of fuel continue to go up,” sambit pa ni Lacson.
Paliwanag pa nito, dahil sa mga kasalukuyang kaganapan kayat tumataas ang halaga ng langis at ito ay dagdag pahirap sa mga manggagawa sa sektor ng pampublikong transportasyon at agrikultura.
Bunga nito, hinihikayat ni Lacson ang Senado na gamitin ang ‘oversight authority’ at kuwestiyonin ang mga kinauukulang ahensiya na nagsuspindi sa subsidiya.
Maliwanag din aniya ang nakasaad sa General Appropriations Act ba dapat ay magbigay ng subsidiya ang gobyerno sa mga apektadong sektor ng lipunan.
“Hindi ko ma-reconcile ang vote buying pagdating sa ganyan,” sabi pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.