2 patay, 5 sugatan sa kidlat sa Negros

By Jay Dones May 20, 2016 - 04:34 AM

 

lightning-660x438Dalawa ang patay samantalang nasa lima pa ang nasaktan makaraang tamaan ng kidlat ang mga ito sa gitna ng isang bukid sa Cadiz, City Negros Occidental, Huwebes.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Cadiz City, nakilala ang mga biktimang sina Willy Barredo, 38, at Jovie Humawan, 27, pawang mga sakada o mag-aani ng tubo o sugarcane.

Nakilala naman ang mga nasaktan na dinala sa pagamutan na sina Mark Humawan Sopuesca, 17, Cristobal Magbanua, 31, John Ray Silverio, 19, Silverio Valiente Lubrico, 43 at Jeffrey Lubrico, 23.

Sa salaysay ng mga biktima, kasalukuyan silang nag-aani ng tubo o sugarcane sa bukirin sa Bgy. Bonifacio, Cadiz City nang biglang dumilim ang kalangitan at magsimulang kumidlat at kumulog.

Dahil dito, nagpasiya ang piton a sumilong sa isang kubo ngunit sa kasawiang palad, dito tumama ang isang malakas na kidlat na ikinasawi ng dalawang biktima at ikinasugat ng lima pa nilang kasamahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.