Pangulong Duterte, nagpaalala sa publiko na patuloy na sundin ang health protocols
Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na masaya siyang pababa nang pababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
“I am happy to note na pababa nang pababa ang COVID-19 cases natin. And sana wala nang ibang variant na [dumating] sa ating bayan,” saad ng pangulo sa ‘Talk to the People,’ Martes ng gabi (April 5).
Gayunman, nagpaalala ang Punong Ehekutibo sa publiko na patuloy na sundin ang health protocols sa kabila ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
“We have to follow the most basic and fundamental gadget that can really help us is the mask,” ani Duterte.
Samantala, ipinaliwanag din ng pangulo kung bakit hindi pa maaring ilagay sa Alert Level 0 ang bansa.
“You know, halos lahat gusto balik na sa [Alert Level] zero o lahat sa one. Hindi kasi pwede dahil may mga lugar na meron pa [infections]. Until such time na talagang almost isa, dalawa na lang all over the country,” ayon sa Pangulo.
Giit pa nito, “Yung Alert [Level] 1 would still be a good parang buffer natin. Huwag na muna nating tanggalin ‘yan until we are very sure that everything is really alright, especially sa ating lugar.”
Magiging problema kasi aniya kapag muling nagkaroon ng reinfection at mag-mutate ang virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.