Ilang kumpanya, magpapatupad ng oil price rollback sa April 5

By Angellic Jordan April 04, 2022 - 03:13 PM

Radyo Inquirer On-Line photo

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng panibagong price rollback sa mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, may kaltas na P1.85 sa kada litro ng diesel habang P2.30 naman ang bawas sa kada litro ng gasolina.

Mababawasan naman ng P1.65 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (April 5).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.