Drilon: Pondo ng bayan sayang sa ‘mapapanis’ na 27M COVID 19 vaccines
Pinuna ng dalawang mataas na opisyal ng Senado ang Department of Health (DOH), gayundin ang Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay sa nalalapit na expiration ng 27 million doses ng COVID 19 vaccines.
Sinabi ni Minority Leader Frank Drilon malaking halaga ng pondo ng bayan kung hindi mapapakinabangan ang mga biniling bakuna sa susunod na tatlong buwan.
“More than two years into the pandemic, the IATF still manages to mismanage the government’s response to the pandemic. It is unconscionable that the vaccines that were purchased through loans could end up in garbage,” diin nito.
Aniya maituturing na krimen kung masasayang ang pera ng taumbayan.
Paalala lang din niya, na dahil sa pagbili ng mga kinakailangan na bakuna, lumubo sa P12 trilyon mula sa P9 trilyon ang utang ng Pilipinas noong 2019.
Samantala, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na dapat ay madaliin na ang pamamahagi ng mga bakuna.
Kasabay nito ang pagpapahayag niya ng labis na pagkadismaya sa kabagalan ng gobyerno sa pagkasa ng vaccination program.
Pinuna nito ang marami ng kapalpakan ng Department of Health (DOH) sa pag-aksyon para matugunan ang pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.