Tatlumpo’t anim na volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
Ayon sa Phivolcs, nagbuga ang bulkan ng hot volcanic fluids sa main crater lake para tumaas ang plumes ng 900 meters.
Paalala ng Phivolcs, nanatiling permanent danger zone ang Barangays Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo, at Boso-boso, Gulod at eastern Bugaan East sa Laurel, Batangas.
Hindi rin pinapayagan ang lahat ng uri ng aktibidad sa Taal Lake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.